-- Advertisements --
Hindi na nagtataka si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard na marami pang mga NBA players ang magpopositibo sa COVID-19 bago ang pagsisimula ng mga laro.
Sinabi nito na dahil sa galing sa iba’t-ibang estado ang mga manlalaro kaya hindi malayo na ang mga ito ay magpositibo sa virus.
Naniniwala naman ito na ginagawa ng NBA ang lahat ng kanilang makakaya para hindi na kumalat pa ang virus.
Magugunitang sa 322 na manlalaro na sumailalim sa pagsusuri sa NBA Campus sa Disney World mula July 7, sa pagdating sa Orlando, Florida ay dalawa lamang ang nagpositibo sa virus.