LAOAG CITY – Nagsimula na ang Lenten Journey-Kalesa station of the cross dito sa Lungsod ng Laoag, bilang bahagi ng paggunita ng semana santa.
Ayon kay Mrs. Mary Jane Leaño, officer-in-charge sa City Tourism Office, umabot sa 18 kalesa a nakibahagi sa nasabing aktibidad kung saan pwedeng sumakay ang mga lokal na residente o mga turista ng libre.
Umaasa si Leaño na sa pamamagitan nito ay mas lalo pang makita ng mga mamamayan ang kahalagahan ng isa sa mga kinikilalang kultura dito sa lugsod ng Laoag.
Ipinaalam ni Leaño na ang Lenten Journey-Kalesa station of the cross dito sa Lungsod ng Laoag ay magtatagal hanggang sa Easter Sunday o Domingo Halleluya, Abril 05, 2026.
Dagdag niya na ang mga nakibahaging kalesa ay mabigbigyan ng 2 libong piso bilang sahod nila kada araw.
Samantala, hinikayat ni Leaño ang mga turista na sa kabila ng nararanasang krisis dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bibisita pa dito sa lungsod ng Laoag para makita at maranasan ang mga ipinagmamalaking tourist destinations at kultura sa nasabing lugar.
















