-- Advertisements --

Isang Filipino ang naiulat na nawawala matapos ang pagtama ng flash flood sa Nepal.

Ayon sa Nepal Tourism Board, na ang Filipino ay kabilang sa 644 katao na naiulat na nawawala dahil sa flash flood.

Hindi na aniya tumitigil ang mga otoridad para tuluyang hanapin ang mga naiulat na nawawala.

Magugunitang nagkaroon ng flash flood sa Bhote Koshi at Trishuli River sa Rasuwa. Nuwakot, Dhading at Gorkha ng dakong alas-8:30 ng gabi nitong Agosto 26.

Sa nasabing insidente ay mayroong mahigit na 300 katao na ang nasawi.

Nagpadala naman ang ibang bansa ng kanilang rescue teams para mabilis na mahanap nila ang mga naiulat na nawawala dahil flashfloods.