Tutol si Senate President Vicente Sotto III sa ideya na baguhin ang legislative calendar ng Kongreso dahil pa rin sa COVID-19 crisis.
Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na pursigido siyang ituloy ang pagbubukas muli ng sesyon ng Senado sa darating na Mayo 4 sa oras na palawigin pang muli ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kasalukuyan, naka-recess pa rin ang Senado at Kamara at inaasahang magbabalik-sesyon sa darating na Mayo 4.
Pero ayon kay Sotto, may legislative agenda silang dapat pag-usapan na kailangan mapasa sapagkait kailangan ang mga ito ng gobyerno o ng taumbayan.
Nauna nang sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na nakikipag-usap na ang liderato ng Kamara sa Senado patungkol sa pagbabago na kanilang gagawin sa legislative calendar ng Kongreso sa gitna ng COVID-19 crisis.
















