-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng legendary singer Tina Turner ang pagdiriwan niya ng 80th Birthday.

Sa kaniyang Twitter account nagpost ito ng mensahe sa kaniyang fans.

Sinabi nito na labis ang kaniyang pasasalamat dahil naging malusog ito kahit maraming mga pagsubok itong dinaanan sa 80 taon.

Taong 2013 ng dumanas ito ng stroke at diagnosed pa ito ng intestinal cancer noong 2016.

Naging grabe pa ang kalagayan nito matapos dahil sa kidney failure.

Noong April 2017 naman ay pumanaw ang kaniyang asawa na si Erwin Bach ng i-donate nito ang kaniyang kidney sa kaniya.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang sikat na singer at mga showbiz personalities.