-- Advertisements --
Napanatili ni reigning ONE women’s atomweight world champion Angela Lee ang kaniyang titulo.
Ito ay matapos na talunin niya sa pamamagitan ng second round submission laban kay Stamp Fairtex ng Thailand sa ONE: X na ginanap sa Singapore.
Pagsimula lamang ng laban ay sinorpresa na agad ni Lee si Stamp ng mga suntok sa sipa.
Hindi naman nagpatalo si Stamp kung saan bumawi ito sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga suntok na tumama kay Lee.
Sa unang dalawang beses na tinangka ni Lee na magsagawa ng submission ay hindi ito nagtagumpay.
Naisakatuparan lamang nito ang submission sa natitirang 4:50 ng ikalawang round.
Ito na ang pang-limang beses na matagumpay na pagdepensa ni Lee ng kaniyang titulo.










