Pinakiusapan ni Los Angeles Lakers star LeBron James si Los Angeles City Mayor Eric Garcetti na kung maari ay magsagawa sila ng victory parade.

Kasunod ito nang pagkapanalo ng Lakers ng kampeonato sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodgers sa Major League Baseball (MLB).

Ayon naman sa alkalde na bukas naman sila na magsagawa ng parada basta pag-ibayuhin ang pag-iingat para hindi kumalat ang coronavirus.

Magugunitang kinansela ng Lakers at Dodgers ang kanilang championship parade dahil sa banta ng COVID-19.

Kanila na lamang aniya isasagawa ito kapag naging normal na ang lahat at mawala na ang pandemic.