-- Advertisements --

Balik na sa kanyang laro ang NBA superstar na si LeBron James upang pangunahan sa kanyang 26 points ang panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Cleveland Cavaliers, 113-101.

Kung maalala dalawang game rin na hindi nakalaro si LeBron.

Pero sa kanyang pagbabalik kanina, nagawang putulin ng Lakers ang three-game winning streak ng Cavaliers na dating pinagkampeon ni James sa NBA noon.

Ang isa pang veteran na si Carmelo Anthony ay nagpakawala ng 24 points kasama na ang anim na 3-pointers.

Maging ang dating MVP na si Russell Westbrook ay bumawi rin ng 19 points at six rebounds para sa ikatlong panalo ng Lakers pero meron na ring tatlong talo.

Bago ang pakikipagtuos ng Cavaliers sa Lakers na-upset naman nila ang mga bigating teams na Atlanta Hawks, Denver Nuggets at Los Angeles Clippers na pinangunahan ng kanilang mas batang mga players.