-- Advertisements --
Patuloy ang paggawa ni NBA star LeBron James ng mga record sa NBA.
Siya ang unang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nakalampas ng 39,000 points sa unang quarter pa lamang.
Nakamit nito ang record ng talunin ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz 131-99.
Sinabi ni James na nagtaka na lamang ito ng binati siya ng kaniyang coach at kasamahan sa koponan hanggang sa huli na nitong napagtanto ang record na kaniyang nagawa.
Una ng nagtala ng record si James ng manlalaro na mayroong mataas na average points kada laro sa loob ng 21 season nitong paglalaro sa NBA.