-- Advertisements --
Sinuspendi ng Office of the Ombudsman si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punsalan Jr. ng hanggang anim na buwan.
Ito ay para magbigay daan para sa imbestigasyon sa kasong kinakaharap niyang graft at extortion.
Nitong Agosto kasi ng maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment si Punzalan at isang kasamahan niya sa Angeles City.
Humihingi umano ang alkalde ng P80 milyon mula sa kumpanya ng baka kapalit ang pag-apruba ng business permit at pagpapatuloy na tax incentives.
Ayon sa Ombudsman na para hindi maimpluwensiyahan ng alkalde ang imbestigasyon ay minabuti nila itong suspendihin.