-- Advertisements --
LBJ
LBJ Tweets

Hindi sang-ayon si Los Angeles Lakers star LeBron James na kanselahin na ang 2019-2020 NBA season.

Ito ay matapos na maraming mga NBA officials at maging NBA teams ang nagpanukala na kanselahin na lamang ngayon ang season dahil sa lubhang naapektuhan sila ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni James na hanggang ligtas ang lahat ay dapat ituloy ang nabinbin na laro.

Tiniyak din nito ang kaniyang kahandaan at maging ang buong Lakers team para sa pagpapatuloy ng NBA season.

Magugunitang pansamantalang itinigil ng NBA ang mga laro matapos na maraming NBA players ang nagpositibo sa coronavirus bukod pa sa ipinatupad na lockdown.

Kung hindi nakansela ang mga natitirang laro, ngayong panahon ay playooff na sana at sa Hunyo rin kung sakali ang NBA finals