Nagmuntikan na ang defending champion Los Angeles Lakers bago tuluyang naigupo ang San Antonio Spurs, 109-103.
Kinailangan ng Lakers ng rally gamit ang 9-0 run upang tuluyang idispatsa ang Spurs.
Sanib puwersa sina Anthony Davis na pomoste ng 35 points at 11 rebounds at si LeBron James na nagtala ng triple double performance na may 26 points, 11 rebounds at 10 assists upang itala ang ikalawang sunod nilang panalo laban sa Spurs.
Noong una nasilip ng Spurs ang kahinaan ng LA pero nagbago ng diskarte ang grupo ni LeBron sa pamamagitan ng pag-atake sa gitna hanggang sa mahabol ang score.
Bumida sa kampo ng San Antonio ang forward na si Keldon Johnson na nagpakita ng career-high na 26 points at 10 rebounds.
Sa ngayon hawak na ng Lakers ang 4-2 record, habang nasadlak naman sa 2-3 kartada ang Spurs.
Sunod na misyon ng Lakers sa Lunes at Miyerkules ay laban sa Memphis.
Ang Spurs naman ay tatangkaing bumangon kontra sa Utah.