Sinuspendi ng Lebanon ang mga flights mula sa mga bansang matinding tinamaan ng coronavirus o COVID-19.

Sinabi ni Prime Minister Hassan Diab , na ang mga bansa na sinuspendi ay ang Italy, South Korea, Iran at China.

Pipigilan nila ang pagdating ng mga eroplano mula France, Egypt, Syria, Iraq, Germany, Spain at United Kingdom.

Paglilinaw nito na ang mga Lebanese at ang kanilang mga pamilya, diplomats, empleyado ng international organisation ganun din ang mga UN peacekeepers ay papayagan pa ring makapasok.