-- Advertisements --

Nanawagan sa national government si League of Provinces of the Philippines president Presbitero Velasco Jr na magpadala ng mas maraming COVID-19 vaccine sa mga probinsiya lalo na yung nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Aminado rin ang Marinduque governor na limitado lamang ang suplay ng bakuna na dumarating sa bansa.

Dahil aniya na nagluwag na ang National Capital Region (NCR) ay nararapat na mabigyan ng mas maraming mga bakuna ang mga probinsiya para mapabilis ang tinatawag na herd immunity.

Magugunitang iminungkahi ng national government na bigyang prioridad ang mga nasa NCR dahil sa dito ang sentro ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.