-- Advertisements --

Pumanaw na ang lead singer at co-founder ng American rap rock band na Crazy Town na si Seth Binzer sa edad na 49.

Ayon sa Los Angeles County Medical Examiner, natagpuan na lamang na walang malay ang singer na si Binzer o Shifty Shellshock sa stage name nito.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakadahilan ng kaniyang kamatayan.

Kasama ni Binzer si Bret “Epic” Mazur ng itinaguyod nila bandang Crazy Town at kinuha nila bilang miyembro sina Rust Epique, Doug Miller, James Bradley Jr., Antonio Lorenzo Valli at Adam Goldstein noong taong 1999.

Taong 2000 ng inilabas nila ang kantang “Butterfly” na nanguna sa Billboard Hot 100 music chart.

Ang kanilang unang album na “The Gift of Game” ay nakapagbenta ng mahigit 1.5 milyon na kopya.

Hindi naman pumatok ang ikalawang album nilang “Darkhouse” at noong 2003 ay nagkahiwalay na sila.

Matapos ang ilang taon ay muli silang nagkabalikan at inilabas ang ikatlong album na “The Brimstone Sluggers”.

Makailang beses na rin naaresto si Binzer na una ya noong 2011 dahil sa pananakit sa dating nobya sa Los Angeles at noong 2023 ay inaresto dahil sa pagmamaneho ng nakainom sa South Carolina.