Nagpadala na ng larawan ng planetang Mars ang Hope mission ng United Arab Emirates.

Matapos ang unang larawan ng tinaguriang red planet ay nagpadala ang nasabing spacecraft ng mga iba’t-ibang views ng nasabing planeta.

-- Advertisement --

Magugunitang noong nakaraang linggo ay matagumpay na nakarating sa orbit ng Mars ang spacecraft ng UAE.

Nakatakdang pag-aralan ng nasabing spacecraft ang panahon at climate system ng nasabing planeta.