-- Advertisements --

Inaprubahan ng LandBank of the Philippines ang P17.4 bilyon na pautang para sa mga high-value crops growers.

Ang nasabing loans ay makikinabang ang nasa 1,220 na mga borrowers sa buong bansa.

Ayon pa sa LandBank na ang nasabing loans ay magpopondo sa produksyon ng mga highland at lowland vegetables, fruits, ganun din ang mga industrial crops kabilang ang abaca at kawayan.

Sinabi naman ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na layon nila ang promosyon ng iba’t-ibang pananim ng mga lokal na magsasaka ganun din ang pagtitiyak ng food security.

May mga ilang loans program din ang inilaan nila para sa mga magsasaka.