NAGA CITY – Patay ang isang padre de pamlya matapos pagbabarilin sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Leopoldo Barena, 59, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Rancho Ibis, hepe ng Labo-PNP, sinabi nitong pinagbabaril ang biktima ng dalawang hindi nakikilalang mga suspek sa kanyang mukha na nagin dahilan ng agarang kamatayan.

Ayon kay Ibis sa pakikipag-usap nila sa asawa ng biktima sinabi nitong base sa pahayag ng mga salarin, nanlaban umano sa rebolusyon si Barena kung kaya ito pinatay.

Sa ngayon nagpapatuoy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.