-- Advertisements --
Naaresto at nakasuhan na ang lalaking tumadyak sa sikmura at sumipa sa ulo ng isang 65-anyos na Pilipina sa New York kamakailan.
Ayon sa New York Police Deparment, alas-2:00 kaninang madaling araw (oras sa America) nang maaresto nila ang 38-anyos na si Brandon Elliot.
Kinasuhan na nila ito ng hate crime at attempted assault.
Nabatid na si Elliot ay nakatira sa isang homeless shelter malapit sa Times Square sa Manhattan, New York City, ang lugar kung saan nakasalubong niya ang Pilipinang biktima.
Sa video na naka-post sa Twitter account na New York Police District News, makikita ang biktima na naglalakad nang sipain siya sa sikmura ng salarin.
Natumba ang biktima at ilang beses pa siyang tinadyakan sa ulo bago umalis ang lalaki.