Arestado ang isang lalaki na nagpanggap na empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) at admin staff ng Southeast Asian (SEA) Games sa lungsod ng Makati.

Ayon sa mga kapulisan, inalok ng suspek ang mga biktima na maging driver ng walong araw at may bayad ng P20,000 pero humingi muna ito ng P350 para sa medical examination.

Nag-alok din ang suspek ng bahay na mga matutuluyan sa mga biktima ng sunog sa Barangay San Isidro, Makati.

Kumuha ito ng advance na P10,000 pero matapos ang ilang araw ay nagduda na ang mga biktima.

Natiyempuhan ng mga kapulisan ang suspek at dito suot pa niya ang T-Shirt na may tatak na 30th SEA Games at may ID pa.