KALIBO, Aklan – Sa halip na magnilay ngayong Huwebes Santo, arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng mga panty at bra sa loob ng isang bahay sa Brgy. Cerrudo, Banga, Aklan.

Ang suspek ay kinilalang si certain “Rommel”, 28, laborer at residente ng naturang lugar.

Ayon kay P/Staff Sgt. Danilo Dalida ng Banga Police Station, nadatnan ang suspek ng pamangkin ng may ari ng bahay na nakahiga sa sahig sa kusinang bahagi ng bahay at nakatalukbong ng kumot.

Sa pagsiyasat ng mga rumespondeng pulis, nakuha sa loob ng kanyang suot na short ang isang kulay puti na panty na itinapal sa kanyang ari.

Maliban dito, nakuha rin sa kanyang posisyon ang iba pang underwear, kung saan ang iba dito ay basa pa.

-- Advertisement --

Dumaan ang suspek sa bintana ng CR sa pagpasok sa bahay.

Sinasabing ang may ari ng underwear ay dayo o bakasyunista sa lugar.

Kasong robbery ang maaring kaharapin ng suspek.