-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Humingi ng public apology ang isang lalaki sa Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Ito ay matapos na mag-post si John Vic Villanueva, empleyado ng isang kompaniya sa Kalibo, Aklan sa kanyang social media account na nagsabing dalawa sa 37 repatriated seafarer ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 noong araw ng linggo.

Agad itong pinabulaanan at tinawag na fake news ng PIATF.

Nagulat umano siya at kinabahan ng imbitahan ng mga otoridad.

Aminado si Villanueva sa kanyang naging pagkakamali dahilan na sumuko sa IATF-Aklan ngunit, intensyon lamang umano niyang makatulong.

Maituturing aniya itong leksyon sa kanya na huwag agad magpasa ng mga hindi beripikadong impormasyon.

Una nang naalarma ang mga mamamayan sa Aklan matapos na mag-viral ang kanyang post na may panibagong kaso ng COVID-19 sa Aklan.