Reading Time: 1 minute

PITTSBURGH, Pennsylvania – Patuloy na umaani ng positibong reaksyon at pagkamangha ang ginawa ng isang lalaki sa Pittsburgh.

Sa halip kasing pagkain, pera o ano pa man, nag-donate ng kaniyang kidney si Jon Potter, 29, kay Michael Moore, na hindi naman nito kakilala.

Nakita ni Potter si Moore at walang pag-aatubiling pumayag ito na maging organ donor.

Para kay Michael, nakakamangha ito para gawin ng isang taong hindi naman kakilala ang kaniyang aabutan ng tulong, lalo na kung parte ng katawan ang ipagkakaloob nang walang kapalit.

“It’s an unbelievable act of kindness,” wika ni Moore.

Agad naman itong kumalat sa internet at sa kanilang komunidad, bagay na nagbigay sa marami ng “good vibes.”

Sa tanong naman kung nabiktima na si Jon ng scam, sinabi nitong hindi niya alam dahil hindi naman talaga siya naghahanap ng bayad o anumang kapalit ng kaniyang mga ginagawa. (CBS)