DAGUPAN CITY- Patay ang isang lalaking galing sa lamay matapos maaksidente sa kahabaan ng barangay Dilan-Paurido sa lungsod ng Urdaneta.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima na si Larry Vergado nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng control sa motorsiklo ang biktima na nagresulta sa pagkabagok ng kanyang ulo sa kalsada.

Agad na dinala ito sa ospital suibalit, ideneklarang dead on arrival.