Personal na galit ang tinitingnang anggulo ng kapulisan sa nangyaring pagsaksak patay ng isang lalaki sa kanyang sariling kaibigan habang nag-iinuman sa Purok 3, Brgy. Villacastor, Buug, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Dura, 45 anyos may asawa habang ang suspek naman ay nakilalang si Joel Navas, isang laborer pawang residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, napagalaman na ang dalawa ay kasamang nag-inuman sa bahay ng isang Roger Obedencio ngunit makalipas ang ilang minute ay bigla nalang umanong sinaksak ng suspek ang biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa dibdib ang biktima na naging dahilang ng kanyang agarang kamatayan.

Napag-alaman na ang tatlo ay matalik na magkaibigan at karaniwan na umanong nag-iinuman kaya’t laking gulat na lamang umano ni Obedencio na magagawa ito ng suspek sa kanilang kaibigan.

Patuloy naman ang follow up operation ng mga otoridad para sa possibleng pagkakahuli ng suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.