-- Advertisements --

Nanawagan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa publiko na makibahagi sa second quarter nationwide simutaneous earthquake drill ngayong araw.

Magsisimula ng ceremonial na pagpindot ng warning button sa Dipolog city Sports Complex sa Zamboanga Del Norte ng alas-9 ng umaga.

Makikita sa nasabing drill ang makatotohanang emergency scenarios gaya ng sunog, oil spill, lindol, rescue at iba pa.

Binigyang halaga ng OCD ang exercise para mapalakas ang kasanayan at kahandaan ng publiko tuwing mayroong kalamidad at lindol sa bansa.