-- Advertisements --

Tinalo sa karera ng 37-anyos na bumbero sa Llanwrtyd Wells, Wales ang isang kabayo.

Si Ricky Lightfoot na mula sa Dearham, Cumbria sa northwest England ay naging pangatlong tao lamang sa buong mundo na nagwagi sa kasaysayan na kinalaban ang isang kabayo.

Tinapos nito ang 22-milya sa loob ng dalawang oras, 22 minuto at 23 segundo.

Noong 15 taon ang nakakaraan ay nagwagi rin ito sa kumpetisyon.

Unang tao kasi na nagwagi sa pakikipagkarera sa kabayo ay si Huw Lobb noong 2004 na tinalo ang pinakamabilis na kabayo sa loob ng 2:05:00.

Itinaguyod ang kumpetisyon noong 1980 matapos na dalawang katao sa Neaudd Arms pub ang nakipagpustahan na kayang talunin ng tao ang kabayo sa isang pang-malayuang karera.

Sa pinakabagong event ay aabot sa 1,200 runners ang nakipagkarerahan sa 60 na kabayo na may riders.

Hinangaan pa si Lightfoot dahil maaga itong nagising para makabiyahe mula Tenerife, Spain patungong Manchester sa United Kingdom.