-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kinakasama nito matapos na sila ay pagbabarilin sa lungsod ng Pasay.

Nakilala ang biktimang si Sailanie Tumimbang na idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Police Senior Sgt. Noel Bordin ng Pasay City Police, na nakilala ang suspek na si alyas Bokayo at isang hindi pa kilalang suspek.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na nasa drug watchlist ang biktima at ang gantihan ang tinitignang motibo ng kapulisan.