CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril sa syudad ng Kidapawan.

Nakilala ang biktima na si Romel Yongyong Cañete alyas Amang at residente ng TJC Homes Barangay Sudapin Kidapawan City.

-- Advertisement --

Ayon sa ulat ng pulisya na nakaupo lamang ang biktima sa kanyang motorsiklo di kalayuan sa kanyang tahanan ng biglang dumating ang dalawang hindi kilalang suspek at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng walang plakang motorsiklo.

Naisugod pa si Cañete ng kanyang mga kamag-anak sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng limang tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.