-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na sinaksak ng kanyang bayaw na kasama nito sa inuman sa Sitio Tamonoc, Barangay Buga, Igbaras, Iloilo.

Ang biktima ay si Joaquin Escamilla habang ang suspek ay si Jose Frankie Valentin na pawang residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PLt Rodel Pasion ng Igbaras Municipal Police Station, sinabi nito na nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek ng mangyari ang pananaksak.

Ani ni Pasion, biniro ni Escamilla si Valentin at nang sinaway ng suspek ang biktima, doon at sinaksak niya ito sa tiyan at sa tagiliran.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

-- Advertisement --

Sasampahan naman ng kasong murder ang suspek na nananatiling at- large matapos tumakas.