ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang suspek sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City nitong Biyernes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Willy Jumaani, 38-anyos, residente sa nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang naturang biktima ay binaril sa NTC Cabatangan, sa likod ng mosque.

Dalawang basyo ng bala ng .45-kalibre na baril ang nakita sa mismong crime scene.

Dahil sa ginawang hot pursuit operation ng mga otoridad, agad naman nahuli ang dalawang suspek.

Natukoy ang mga ito na sina PSSgt. Melvin Jawadil Lakibul at si PSSgt. Russel Appang Saddaranies, pawang nakatalaga sa Bangsamoro Region.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang malawakang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa naturang krimen.