-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki sa Austin, Texas matapos na mahagip ng papalapag na eroplano sa paliparan.
Naganap ang insidente sa runway 17R nitong gabi ng Huwebes.
Sa imbestigasyon, ipinaalam ng Southwest Airlines Flight 1392 sa Austin-Bergstrom International Airport na mayroon silang lalaki na nakita sa runway matapos ang paglapag ng kanilang eroplano.
Hindi naman na nagbigay ang mga otoridad ng pagkakakilanlan ng nasawing lalaki.
Ibinalik naman ng mga otoridad ang operasyon ng eroplano matapos ang ilang oras.