-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay nang matagpuan ang isang lalaki sa pamamaril sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Philipdon Nabong Ruga, 41 anyos, may asawa at residente ng Brgy Poblacion 1 Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ramel Hojilla na nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga residente ng Brgy Sikitan sa syudad kasabay nang pag-alis ng hindi matiyak na sasakyan.

Nang usisahin ito ng mga opisyal ng Barangay at mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ay bumungad sa kanila ang duguang katawan ng biktima.

Patay na ang biktima nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang katawan.

Maliban rito, nakabalot pa ng masking tape ang mukha at nakagapos ang dalawang kamay ng biktima ng makita ito.

Isang karatula din ang nakita malapit sa bangkay ng biktima na may nakasulat na “Tularan ninyo, Shabu pa more, Big fish”.

Marami ang naniniwala na biktima ng salvage o summary execution si Ruga.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapaan City PNP sa pamamaslang sa biktima.