-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki matapos na ito ay sasakin ng ka-live-in partner sa Quezon nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Police Staff Sgt. Jason Santoceldes, ng La Loma Police, nakatanggap sila ng ulat ng kaso ng pagpatay mula sa mga barangay tanod ng Manresa, Quezon City.

Isang 27-anyos na factory workers kasi ang napatay ng ka-live-in partner nito.

Base sa imbestigasyon, umuwing lasing ang biktima at sila ay nagkaroon ng alitan ng suspek.

Agad na nasaksak ng babaeng suspek ang biktima na nagbunsod sa kamatayan nito.

Ikinulong naman sa PNP ang nakapatay na babaeng suspek.