Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO- Wala nang buhay nang matagpuan sa dalampasigan ang isang binata sa probinsya ng Lanao Del Sur.

Nakilala ang biktima na si Tata Trinidad Lavinia,32 anyos at residente ng Lambayong Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa dalampasigan sa Sitio Dap-dap Brgy Banago Lanao Del Sur.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang binata kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay blangko pa ang Balabagan PNP sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.