-- Advertisements --

Nasa mahigit P204,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga kapulisan sa anim na katao sa ikinasa nilang buybust operation sa E. Rodriguez, Quezon City.

Target ng nasabing operasyon ang isang lalaki na regular na suki ng isang hotel.

Doon sa isang hotel isinasagawa ng suspek ang nasabing transaksyon.

Umaabot sa 30 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa nasabing suspek.