Reading Time: 1 minute
dwight howard
NBA center Dwight Howard

Lumutang ngayon ang isyu na muli umanong kukunin ng Los Angeles Lakers ang serbisyo ng NBA center na si Dwight Howard.

Ito ay kung makompleto na ang buyout sa kanyang kontrata mula sa Memphis Grizzlies.

Kung maalala anim na taon na ang nakakalipas ay bahagi rin noon ng Lakers si Howard.

Pero ngayon muling naging interesado ang koponan bilang pampalit sa kanilang sentro na may injury na si DeMarcus Cousins.

Sa pagkakataong ito ay inaasahan ng team ni LeBron James na magiging maganda ang teamwork ni Howard sa mga Lakers center din na sina JaVale McGee at Anthony Davis.