-- Advertisements --

Tulad nang inaasahan, hindi muna naglaro ang mga Lakers superstars na sina LeBron James at Anthony Davis kontra Los Angeles Clippers sa unang araw ng NBA preseason games.

Tinalo ng Lakers ang karibal na Clippers, 87-81.

Ito ay kahit nagpakita sina Kawhi Leonard at Paul George.

LA 3

Maging ang bagong nakuha nila na si Serge Ibaka.

Gayunman tig-14 minutes lamang ang inilaro nina Kawhi at George para sa pinagsamang 13 puntos.

Sa kampo ng defending champion nag-debut naman sa bago nilang team sina Montrezl Harrell, Wes Matthews, at Dennis Schroder.

Ang rookie ng Lakers noong nakaraang taon na si Talen Horton-Tucker ang bumida na halos nagtala ng double-double na may 19 points at 9 rebounds.

Si Mark Gasol na kinuha ng Lakers sa Raptors ay hindi rin naglaro.