lakers davis dunk
-- Advertisements --

Umeksena sa kanyang 28 points ang veteran na si Carmelo Anthony upang pangunahan ang unang panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Memphis Grizzlies, 121-118.

Kung maalala tumikim ng talo ang Lakers sa una nilang dalawang games sa pagsisimula ng bagong NBA season.

Sa pagkakataong ito hindi na hinayaan pa ng Lakers na makawala sa kanila ang panalo kung saan tumulong din si Anthony Davis sa kanyang 22 points at may apat na blocks habang si LeBron James ay nag-ambag ng 19 points upang malampasan ng team ang ginawa ni Ja Morant na 40-points para sa Grizzlies.

May tiyansa pa sana ang Grizzlies na mahabol ang Lakers kung saan nagmintis ang third at final free throw ni Morant.