-- Advertisements --

Hindi umubra ang Los Angeles Lakers sa kanilang karibal na Miami Heat, 110-104.

Kung maalala ang dalawa ay nagharap sa NBA Finals noong nakaraang taon kung saan namayani ang Lakers.

Sa pagkakataong ito, sinamantala ng Miami ang kawalan ng mga superstars na sina LeBron James, Anthony Davis at Kyle Kuzma.

Bumida sa opensa ng Heat si Jimmy Butler na tumipon ng 28 points para bumangon ang team sa nakalipas na pagkatalo sa Memphis.

Naging impresibo rin naman ang laro ng bagong nakuha ng Heat (27-25) na si Victor Oladipo na nagpakita ng 18 points pero nakita itong may iniindang sakit sa kanang paa matapos ang dunk sa fourth quarter.

Si Tyler Herro naman ay nagdagdag ng ng 15.

Sa kampo ng Lakers (32-20) nanguna si Kentavious Caldwell-Pope na nagpakawala ng 28 points kabilang na anim na 3-pointers.