PNP OIC Archie Gamboa
PNP chief officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa

Pinuri ni Senator Panfilo Lacson ang kautusan ni PNP chief officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na pagbawalang maglaro ng golf ang mga kapulisan mula Lunes hanggang Biyernes.

Ayon kay Lacson, nararapat lamang na gampanan ng tama ng mga kapulisan ang kanilang trabaho.

Ikinumpara rin ng senador ang kaniyang ginawa noong ito ay namuno sa PNP sa taong 1996 na pinagbawalan ang mga kapulisan na maglaro ng golf kaya natakot din ang mga ito na mangotong.

Una nang ipinag-utos ni Gamboa ang nasabing kautusan at tiniyak na masasampahan ng kaukulang kaso ang mga lalabag na pulis.