-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isasailalim sa lockdown ang laboratory building ng Western Visayas Medical Center Sub-National Laboratory matapos nagpositibo sa COVID-19 ang isang staff.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Joseph Dean Nicolo, Chief ng Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, sinabi nito na pansamantalang isasara ang 1st at 2nd floor ng laboratory building para sa disinfection.

Ayon kay Dr. Nicolo, wala pang schedule kung kailan magsisimula ang lockdown ngunit posible itong tumagal ng apat na araw.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Dr. Nicolo na magpapatuloy pa rin ang pagtanggap ng specimen para sa COVID-19 testing.

Dahil dito, nakatakdang isaialim sa COVID-19 test ang mga staff na nagtatrabaho sa laboratoryo at nasa isolation facility na rin ang COVID-19 positive na unang nakitaan ng sintomas.