-- Advertisements --

Umaasa ang grupong Partido Manggagawa na maririnig kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limang malalaking labor policies at labor issues sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Partido Manggagawa Chairman at dating Rep. Rene Magtubo, nais nilang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng unemployment at paglaganap ng contractualization.

Pangalawa ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin at hindi makahabol ang sahod ng mga manggagawa, lalo na ang mga tumatanggap lamang ng mababang pasahod.

Pangatlo ay ang pagtugon ng pangulo sa labis na ‘gap’ sa pagitan ng minimum wage at pagtaas ng cost of living allowance sa buong bansa.

Ika-apat dito ay ang hindi pa rin nalulutas na iskandalong bumabalot sa mga flood control at iba pang public infrastructure project na labis ding nakaka-apekto sa mga mahihirap.

Panghuli ay ang kahirapan sa iba’t-ibang sector, dahil sa umano’y mistulang nakalimutan na sila ng pamahalaan.

Ayon sa dating mambabatas, kung naging qoutable qoutes ang pahayag ni Pang. Marcos na ‘Mahiya Naman Kayo’ noong kaniyang ika-apat na SONA, dapat aniyang madagdagan ito ngayon ng ‘Mahiya Naman Kayo sa Manggagawang Pilipino.’

Aniya, sa apat na taong pag-upo ni Pang. Marcos, hindi pa nararamdaman ng mga manggagawang Pilipino ang pagbuti ng kanilang kalagayan at mistulang nakakalimutan na ng administrasyon ang sektor ng paggawa.