Church Our lady of Pilar
-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mananatili hanggang bukas ng umaga ang labi ni Natividad “Naty” Dy sa Our Lady of the Pillar Parish Church para mabigyan ng pagkakataon ang mga kakilala at kaibigan na masilayan bago ihatid sa kanyang huling hantungan.

naty dy

Kaninang umaga ay dumating ang labi ni Dy sa Cauayan City mula Maynila at idiniretso sa Our Lady of the Pilar Parish Church.

Siya ay binawian ng buhay noong Martes sa isang pribadong pagamutan sa Maynila sa edad na 91.

Nagkaroon naman ng misa kaninang alas-11:00 ng umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Vice Governor Bojie Dy na hindi ito maituturing na public viewing kundi bibigyang pagkakataon lamang na masilayan ng mga kamag-anak, kakilala at kaibigan ang labi ng kanilang yumaong ina.

-- Advertisement --

Nakiusap naman siya sa mga magtutungo sa simbahan para masilayan ang kanyang ina na sumunod sa mga health protocols.

Si Natividad De Guzman Dy ay asawa ng yumao na ring si dating Governor Faustino “Tino” Dy.

Siya ay ina nina Vice Governor Bogie Dy, dating Gov. Benjamin Dy, dating City Mayor Ceasar Dy, dating LMB Pres. Victor Dy at lola nina City Mayor Bernard Dy ng Cauayan City, Mayor Kiko Dy ng Echague at 5th District Cong. Inno Dy.