-- Advertisements --

Pumalo na sa 12 katao ang nasawi sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Thailand at Cambodia.

Ang ilang siglong labanan sa dalawang South East Asian na magkapitbahay ay dahil sa pinag-aagawang border.

Karamihang mga nasawi ay mga sibilyan mula sa tatlong probinsya ng Thailand.

Inakusahan ng bawat isa na sila ay nagpaputok ng baril nitong umaga ng Huwebes.

Nagpakawala umano ang Cambodia ng rockets habang ang Bangkok ay nagsagawa ng airstrikes na ang target ay mga sundalo ng Cambodia.

Dahil dito ay isinara ng Thailand ang kanilang border sa Cambodia.

Habang ang Cambodia ay ibinaba ang pakikipag-ugnayan sa Thailand kung saan inakusahan ang military ng Thailand dahil sa labis na puwersa.