Nagtapos sa draw 2-2 ang laban ng Young Azkals sa Timor Lesta sa AFF U23 Championship.
Naging bayani sa laro si dating National University football player Ivan Ouano para sa Group A sa laro na ginanap sa Morodok Techo National Stadium in Phnom Penh, Cambodia.
Sinabi ni Philippine men’s under-23 national team coach Stewart Hall na naging matinding kalaban ang Timor Leste dahil kung ikukumpara ay tatlong buwan na silang magkakasama habang ang Azkals ay tatlong linggo pa lamang sila nagkasama.
Naging hindi maganda ang pagsisimula ng laro kasi matapos na tawagan sila ng fould sa loob ng box na nagbunsod sa pagkapuntos ng Timor Leste matapos ang anim na minuto.
Nakapuntos lamang Young Azkals pagkatapos ng halftime break.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Cambodia sa Pebrero 17 kung saang ang mananalo sa bawat tatlong group ay aabanse na sa semifinals ganun din sa best second-placed team.