-- Advertisements --

Nagtapos sa tabla 1-1 ang laban ng US at Wales sa first game nila sa Group B.

Hawak ng US ang kalamangan 1-0 sa unang bahagi ng laro ng maipasok ng 22-anyos na si Timothy Weah ang goal sa 36th minute ng laro at naghiyawan ang mga fans sa Al-Rayyan Stadium.

Labis na nadismaya ang US ng maipasok pa ni Gareth Bale ang late penalty sa Wales.

Nasa ranked 16 ang US habang ranked number 19 naman ang Wales.