-- Advertisements --
Pinahiya ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.
Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw.
Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa Group A.
Kahit na makailang beses na sinubukan ng Vietnam na maipasok ang goal ay bantay sarado ito ng Azkals.
Magugunitang noong Biyernes ay tinalo ng Azkals ang Timor Leste 4-0 habang nagwagi rin ang Vietnam 3-0 laban sa Indonesia.
Susunod na makakaharap ng Azkals ang 2019 SEA Games bronze medalist na Myanmar.
Ang dalawang top teams sa bawat grupo ay abanse na sa semifinals.










