Pinailawan ng walong minuto at 46 segundo ang Los Angeles Dodgers baseball stadium.

Ang nasabing hakbang ay paraan ng koponan bilang pagbibigay respeto sa black American na si George Floyd na namatay sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Ang 8 minutes ang 46 seconds ay ang oras kung saan ipinatong ng pulis ang kaniyang tuhod sa leeg ni Floyd hanggang ito ay tuluyang mawalan ng hininga.

Nakibahagi rin ang ilang mga dumadaan sa harap ng stadium kung saan ang mga dumadaan na sasakyan ay humihinto sa gilid ng kalsada at pinapailawan ang kanilang mga cellphone.

Nauna ng naglabas ng pagkondina ang koponan sa naganap na pagpatay kay Floyd at ang nangyaring racism.