KYLE
-- Advertisements --

Nanawagan ang actress na si Kylie Padilla sa mga mambabatas na ipasa na ang panukalang batas na divorce bill.

Kasunod ito sa hiwalayan nila ng asawang actor na si Aljur Abreneca.

Sa kaniyang Twitter account nag-post ang actress ng panawagan ng pagpasa ng nasabing panukalang batas.

Magugunitang inakusahan ng actor ang asawa na siya ang unang nangaliwa kaya sila naghiwalay.

Hindi na ito sinagot ng actress at sa halip ay nag-post na lamang ito ng quote tungkol sa nasabing hiwalayan.

-- Advertisement --

Nauna rito, kinumpirma ng actress na hiwalay na sila ng asawa noong Hulyo kung saan naiwan sa kaniya ang dalawa nilang anak na lalaki.

ALUJR